Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog [nito]. Qāf 50:39 ⧉
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga Hudyo at iba pa sa kanila. Magdasal ka sa Panginoon mo habang nagpupuri sa Kanya sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw at magdasal ka sa hapon bago ng paglubog nito.