Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat. Qāf 50:4 ⧉
Tafsīr:
Nakaalam nga Kami sa anumang kinakain ng lupa mula sa mga katawan nila matapos ng kamatayan nila at pagpapalaho nito niyon. Walang nakakubli sa Amin mula roon na anuman. Sa piling Namin ay may isang talaan na tagapag-ingat sa bawat itinatakda sa kanila sa buhay nila at matapos ng kamatayan nila.