Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Qāf — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Qāf • Talata 45 sa 45 • Tagalog


نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِجَبَّارٍ ۖ فَذَكِّرْ بِالْقُرْآنِ مَنْ يَخَافُ وَعِيدِ 45
Pagsasalin:
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko. Qāf 50:45
Tafsīr:
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw lamang ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at nagsasaalaala kapag pinaalalahanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Qāf • Talata 44 Susunod Adh-Dhāriyāt • Talata 1