Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit. Adh-Dhāriyāt 51:37 ⧉
Tafsīr:
Nag-iwan Kami sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot ng mga bakas ng pagdurusa, na nagpapatunay sa pagkaganap ng pagdurusa sa kanila upang magsaalang-alang nito ang sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit na tumama sa kanila para hindi gumawa ayon sa gawain nila upang maligtas doon.