Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.” Adh-Dhāriyāt 51:39 ⧉
Tafsīr:
Ngunit umayaw si Paraon – habang nangangaway sa pamamagitan ng lakas niya at kawal niya – sa katotohanan. Nagsabi siya tungkol kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ay manggagaway na nanggagaway ng mga tao, o baliw na nagsasabi ng hindi niya nauunawaan."