Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira. Adh-Dhāriyāt 51:41 ⧉
Tafsīr:
Sa `Ād, ang lipi ni Hūd, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang nagpadala Kami sa kanila ng hangin na hindi nagdadala ng ulan, hindi nagpapabunga ng mga punung-kahoy, at walang biyaya.