[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail. Adh-Dhāriyāt 51:46 ⧉
Tafsīr:
Nagpasawi nga Kami sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagkalunod bago pa man ng mga nabanggit na ito; tunay na sila dati ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh kaya naging karapat-dapat sila sa parusa Niya.