Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh]. Adh-Dhāriyāt 51:49 ⧉
Tafsīr:
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapareha gaya ng lalaki at babae, ng langit at lupa, at ng katihan at karagatan nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa kaisahan ni Allāh na lumikha mula sa bawat bagay ng magkapareha at magsasaalaala kayo sa kakayahan Niya.