Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Adh-Dhāriyāt — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Adh-Dhāriyāt • Talata 59 sa 60 • Tagalog


فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذَنُوبًا مِثْلَ ذَنُوبِ أَصْحَابِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُونِ 59
Pagsasalin:
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin. Adh-Dhāriyāt 51:59
Tafsīr:
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ay isang bahagi ng pagdurusa tulad ng bahagi ng mga kasamahan nilang nauna. Mayroon itong isang taning na tinakdaan, kaya huwag silang humiling mula sa Akin ng pagpapadali niyon bago ng taning niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Adh-Dhāriyāt • Talata 58 Susunod Adh-Dhāriyāt • Talata 60