Tunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain. Aṭ-Ṭūr 52:28 ⧉
Tafsīr:
Tunay na kami dati sa buhay namin sa Mundo ay sumasamba sa Kanya at dumadalangin sa Kanya na magsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa Apoy. Tunay na Siya ay ang Tagagawa ng mabuti, ang Tapat sa pangako Niya sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila. Bahagi ng kabaitan Niya at awa Niya sa amin na nagpatnubay Siya sa amin sa pananampalataya, nagpapasok Siya sa amin sa Paraiso, at nagpalayo Siya sa amin sa Apoy.