O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila! Aṭ-Ṭūr 52:43 ⧉
Tafsīr:
O mayroon ba silang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh? Nagpakawalang-ugnayan si Allāh at nagpakabanal Siya higit sa inuugnay nila sa Kanya na katambal! Lahat ng naunang nabanggit ay hindi nangyari at hindi naguguniguni sa isang kalagayan.