Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Najm — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

An-Najm • Talata 23 sa 62 • Tagalog


إِنْ هِيَ إِلَّا أَسْمَاءٌ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَمَا تَهْوَى الْأَنْفُسُ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مِنْ رَبِّهِمُ الْهُدَىٰ 23
Pagsasalin:
Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay. An-Najm 53:23
Tafsīr:
Walang iba ang mga anitong ito kundi mga pangalang hubad sa kahulugan – sapagkat walang bahagi para sa mga ito sa mga katangian ng pagkadiyos – na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo mula sa pagkukusa ng mga sarili ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang patunay. Hindi sumusunod ang mga tagapagtambal sa paniniwala nila kundi sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili nila kabilang sa ipinang-akit ng demonyo sa mga puso nila. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay sa pamamagitan ng dila ng Propeta ni Allāh – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Najm • Talata 22 Susunod An-Najm • Talata 24