Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa [Qur’ān na] paalaala Namin [mula sa Qur’ān] at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo. An-Najm 53:29 ⧉
Tafsīr:
Kaya umayaw ka, O Sugo, sa sinumang tumalikod sa pag-alaala kay Allāh, hindi nagbibigay-pansin sa Kanya, at hindi nagnanais kundi ng buhay na pangmundo sapagkat hindi siya gumagawa para sa Kabilang-buhay niya dahil siya ay hindi sumasampalataya roon.