Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.” Al-Qamar 54:10 ⧉
Tafsīr:
Kaya dumalangin si Noe sa Panginoon niya, na nagsasabi: "Tunay na ang mga kababayan ko ay dumaig sa akin at hindi sila tumugon sa akin kaya mag-adya Ka laban sa kanila sa pamamagitan ng isang parusang pabababain Mo sa kanila."