Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda. Al-Qamar 54:12 ⧉
Tafsīr:
Nagpabulwak Kami sa lupa kaya nagkaroon ng mga bukal na umaagos mula sa mga ito ang tubig, saka nagtagpo ang tubig na bumababa mula sa langit sa tubig na umaagos mula sa lupa ayon sa isang utos na itinakda ni Allāh sa kawalang-hanggan. Kaya nalunod ang lahat maliban sa sinumang iniligtas ni Allāh.