Kaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol. Al-Qamar 54:24 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagsabi sila habang mga nagmamasama: "Susunod ba kami sa isang tao kabilang sa lahi namin na nag-iisa? Tunay na kami, kung sumunod kami sa kanya sa kalagayang ito, ay talagang nasa isang kalayuan sa pagkatama, isang pagkalihis palayo rito, at nasa isang pagkahirap.