Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila, [sasabihin sa kanila]: “Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!” Al-Qamar 54:48 ⧉
Tafsīr:
Sa araw na hihilahin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila at sasabihin sa kanila bilang panunumbat: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy!"