Makikilala ang mga salarin sa mga tatak nila, saka dadaklutin sila sa mga buhok ng noo at mga paa. Ar-Raḥmān 55:41 ⧉
Tafsīr:
Makikilala ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon sa mga palatandaan nila: ang kaitiman ng mga mukha at ang kabughawan ng mga mata, saka idudugtong ang mga buhok ng noo nila sa mga paa nila saka itatapon sila sa Impiyerno.