Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay] Al-Wāqi‘ah 56:51 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos tunay na kayo, O mga nagpapasinungaling sa pagbubuhay, na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ay talagang mga kakain, sa Araw ng Pagbangon, mula sa mga puno ng Zaqqūm. Ito ay pinakamasama sa mga bunga at pinakakarima-rimarim.