Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥadīd — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥadīd • Talata 4 sa 29 • Tagalog


هُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنْزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۖ وَهُوَ مَعَكُمْ أَيْنَ مَا كُنْتُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 4
Pagsasalin:
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. [Sa pamamagitan ng kaalaman Niya] Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. Al-Ḥadīd 57:4
Tafsīr:
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Nagsimula ito sa araw ng Linggo at nagwakas ito sa araw ng Biyernes, gayong Siya ay nakakakaya ng paglikha sa mga ito sa higit na maikli sa isang kisap mata. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nakaaalam Siya sa anumang pumapasok sa lupa na ulan, binhi, at iba pa; anumang lumalabas mula rito na halaman, mga mina, at iba pa; anumang bumababa mula sa langit na ulan, kasi, at iba pa; at anumang pumapanik doon na mga anghel, mga gawain ng mga tao, at mga kaluluwa nila. Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo, O mga tao, sa pamamagitan ng kaalaman Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa inyo mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥadīd • Talata 3 Susunod Al-Ḥadīd • Talata 5