Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Siya ay Maalam sa laman ng mga dibdib. Al-Ḥadīd 57:6 ⧉
Tafsīr:
Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya sumasapit ang dilim at natutulog ang mga tao. Nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya sumasapit ang tanglaw kaya humahayo ang mga tao sa mga gawain nila. Siya ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.