Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 24 sa 24 • Tagalog


هُوَ اللَّهُ الْخَالِقُ الْبَارِئُ الْمُصَوِّرُ ۖ لَهُ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ ۚ يُسَبِّحُ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 24
Pagsasalin:
Siya ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagapaglalang [na nagpasimula ng nilikha mula sa wala], ang Tagapag-anyo; taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Al-Ḥashr 59:24
Tafsīr:
Siya ay si Allāh, ang Tagalikha na lumikha sa bawat bagay, ang Tagapagpairal ng mga bagay, ang Tagapag-anyo sa mga nilikha Niya alinsunod sa ninanais Niya. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga pangalan na pinakamaganda na naglalaman ng mga katangian Niyang pinakamataas. Nagpawalang-kaugnayan sa Kanya sa bawat kakulangan ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 23 Susunod Al-Mumtaḥanah • Talata 1