Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang magpahiya Siya sa mga suwail. Al-Ḥashr 59:5 ⧉
Tafsīr:
Ang anumang pinutol ninyo, O katipunan ng mga mananampalataya, na isang [punong] datiles upang magpangitngit kayo sa mga kaaway ni Allāh sa paglusob ng angkan ng Naḍīr, o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito upang makinabang kayo rito ay ayon sa utos ni Allāh at hindi kabilang sa kaguluhan sa lupa gaya ng inakala nila, at upang abahin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya kabilang sa mga Hudyo na sumira sa kasunduan at pumili sa landas ng pagtataksil higit sa daan ng pagtupad.