Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba]. Al-An‘ām 6:1 ⧉
Tafsīr:
Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang-takda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad at lumikha ng gabi at maghapon na nagsusunuran, kaya nagpadilim Siya sa gabi at nagtanglaw Siya sa maghapon. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa rito bilang katambal para sa Kanya.