Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid. Al-An‘ām 6:103 ⧉
Tafsīr:
Hindi nakasasaklaw sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaabot sa mga paningin at nakasasaklaw sa mga ito. Siya ay ang Nakatatalos sa mga lingkod Niyang maayos, ang Mapagbatid sa kanila.