Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 108 sa 165 • Tagalog


وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ مَرْجِعُهُمْ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 108
Pagsasalin:
Huwag kayong mang-alipusta sa mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh para mag-alipusta sila kay Allāh dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinang-akit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa. Al-An‘ām 6:108
Tafsīr:
Huwag kayong mang-alipusta, O mga mananampalataya, sa mga anitong sinasamba ng mga tagapagtambal kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito ay pinakahamak na bagay at pinakakarapat-dapat sa pag-alipusta, upang hindi mang-alipusta ang mga tagapagtambal kay Allāh dala ng pagmamataas laban sa Kanya at kamangmangan sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung paanong ipinang-akit para sa mga ito ang taglay ng mga ito na pagkaligaw, ipinang-akit ni Allāh para sa bawat kalipunan ang gawa nila, kabutihan man o kasamaan, kaya ginawa nila ang ipinaakit Niya sa kanila mula roon. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 107 Susunod Al-An‘ām • Talata 109