Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 112 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 112 sa 165 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا شَيَاطِينَ الْإِنْسِ وَالْجِنِّ يُوحِي بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ زُخْرُفَ الْقَوْلِ غُرُورًا ۚ وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ 112
Pagsasalin:
Gayon Kami gumawa para sa bawat propeta ng kaaway na mga demonyo ng tao at jinn, na nagkakasi ang iba sa kanila sa iba pa ng palamuti ng sinasabi bilang panlilinlang. Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa iyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila, Al-An‘ām 6:112
Tafsīr:
Kung paanong sumubok Kami sa iyo sa pamamagitan ng pangangaway ng mga tagapagtambal na ito sa iyo, sumubok Kami sa bawat propeta noong bago mo. Nagtalaga Kami para sa bawat isa sa kanila ng mga kaaway na mga naghihimagsik na tao at mga kaaway na mga naghihimagsik na jinn. Nanulsol ang iba sa kanila sa iba pa kaya naipang-akit ng mga ito sa kanila ang kabulaanan upang linlangin sila. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila ginawa iyon, subalit Siya ay lumuob sa kanila niyon bilang isang pagsubok. Kaya iwan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila na kawalang-pananampalataya at kabulaanan. Huwag kang pumansin sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 111 Susunod Al-An‘ām • Talata 113