Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 12 sa 165 • Tagalog


قُلْ لِمَنْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قُلْ لِلَّهِ ۚ كَتَبَ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ 12
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Kanino ang anumang nasa mga langit at mga lupa?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh.” Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa. Talagang magtitipon nga Siya sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya. Al-An‘ām 6:12
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa mga lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang paghahari sa mga ito sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Siya nagmamadali sa kanila ng kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay magtitipon siya sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para sumagip sila sa mga sarili nila sa kalugihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 11 Susunod Al-An‘ām • Talata 13