Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 125 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 125 sa 165 • Tagalog


فَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يَهْدِيَهُ يَشْرَحْ صَدْرَهُ لِلْإِسْلَامِ ۖ وَمَنْ يُرِدْ أَنْ يُضِلَّهُ يَجْعَلْ صَدْرَهُ ضَيِّقًا حَرَجًا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي السَّمَاءِ ۚ كَذَٰلِكَ يَجْعَلُ اللَّهُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ 125
Pagsasalin:
Kaya sa sinumang ninanais ni Allāh na patnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na pagkaasiwa na para bang umaakyat siya sa kalangitan. Gayon naglalagay si Allāh ng kasalaulaan sa mga hindi sumasampalataya [sa Kanya]. Al-An‘ām 6:125
Tafsīr:
Kaya sa sinumang magnanais si Allāh na magtuon tungo sa daan ng kapatnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito at maghahanda Siya rito sa pagtanggap sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magtatwa at hindi magtuon sa kapatnubayan ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi ang kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso nito gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat nito sa langit at kawalang-kakayahan nito roon sa sarili nito. Kung paanong naglagay si Allāh sa kalagayan ng naliligaw sa kalagayang ito na matinding paninikip, maglalagay Siya ng pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 124 Susunod Al-An‘ām • Talata 126