Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 130 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 130 sa 165 • Tagalog


يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي وَيُنْذِرُونَكُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا ۚ قَالُوا شَهِدْنَا عَلَىٰ أَنْفُسِنَا ۖ وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ 130
Pagsasalin:
O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na sumasaysay sa inyo ng mga tanda Ko at nagbababala sa inyo ng pakikipagkita sa Araw ninyong ito? Magsasabi sila: “Sumaksi kami laban sa mga sarili namin.” Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo, at sumaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya. Al-An‘ām 6:130
Tafsīr:
Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo sapagkat sila ay kabilang sa tao, na bumibigkas sa inyo ng pinababa ni Allāh sa kanila at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagpaabot nga sa amin. Kumilala kami sa pakikipagkita sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pakikipagkita sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila ang pagkilalang ito ni ang pananampalataya dahil sa pagkaalpas ng oras nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 129 Susunod Al-An‘ām • Talata 131