Sabihin mo: “Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan.” Al-An‘ām 6:15 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba – kung sumuway ako kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbawal Niya sa akin gaya ng shirk at iba pa rito o pag-iwan sa ipinag-utos Niya sa akin gaya ng pananampalataya at iba rito kabilang sa mga pagtalima – na pagdurusahin Niya ako ng isang pagdurusang sukdulan sa Araw ng Pagbangon."