Mayroon sa kanila na nakikinig sa iyo ngunit naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito; hanggang sa nang dumating sila sa iyo habang makikipagtalo sila sa iyo ay magsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.” Al-An‘ām 6:25 ⧉
Tafsīr:
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag binigkas mo ang Qur'ān subalit sila ay hindi nakikinabang sa napakikinggan nila dahil Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga takip upang hindi nila maunawaan ang Qur'ān dahilan sa pagmamatigas nila at pag-ayaw nila, at naglagay naman Kami sa mga tainga nila ng pagkabingi para sa pagdinig na napakikinabangan. Anuman ang nakikita nila sa mga katunayang maliwanag at mga katwirang hayag ay hindi sila mananampalataya sa mga ito. Hanggang sa kapag dumating ka sa kanila, makikipag-alitan sila sa iyo sa katotohanan sa pamamagitan kabulaanan, na nagsasabi: "Walang iba ang inihatid mo kundi isang kinuha buhat sa mga aklat ng mga sinauna."