Siya ay si Allāh [ang Diyos] sa mga langit at sa lupa. Nakaaalam Siya sa lihim ninyo at kahayagan ninyo at nakaaalam Siya sa nakakamit ninyo. Al-An‘ām 6:3 ⧉
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan sa mga langit at sa lupa. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo na mga layunin, mga sinasabi, at mga ginagawa; at nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo mula roon. Gaganti Siya sa inyo sa mga iyon.