Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 39 sa 165 • Tagalog


وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا صُمٌّ وَبُكْمٌ فِي الظُّلُمَاتِ ۗ مَنْ يَشَإِ اللَّهُ يُضْلِلْهُ وَمَنْ يَشَأْ يَجْعَلْهُ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 39
Pagsasalin:
Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay mga bingi at mga pipi na nasa mga kadiliman. Ang sinumang loloobin ni Allāh ay [makatarungang] magliligaw Siya rito at ang sinumang loloobin Niya ay maglalagay Siya rito sa isang landasing tuwid. Al-An‘ām 6:39
Tafsīr:
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay tulad ng mga bingi na hindi nakaririnig at mga pipi na hindi nagsasalita habang sila bukod pa roon ay nasa mga kadiliman na hindi nakakikita. Kaya paano para sa sinumang ito ang kalagayan niya na mapatnubayan? Ang sinumang loloobin ni Allāh ang pagliligaw rito kabilang sa mga tao ay magliligaw Siya rito. Ang sinumang loloobin Niya ang kapatnubayan dito ay magpapatnubay Siya rito sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 38 Susunod Al-An‘ām • Talata 40