Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw. Al-An‘ām 6:59 ⧉
Tafsīr:
Nasa kay Allāh lamang ang mga imbakan ng Lingid; hindi nakaaalam sa mga iyon ang iba pa sa Kanya. Nakaaalam Siya sa lahat ng nasa katihan na mga nilikha na hayop, halaman, at walang-buhay na bagay. Nakaaalam Siya sa anumang nasa dagat na hayop, halaman, walang-buhay na bagay, at anumang nalalaglag na dahon sa alinmang pook. Walang natatagpuang isang butil na nakatago sa lupa, walang natatagpuang isang mahalumigmig, at walang natatagpuang isang tuyot malibang ito ay pinagtibay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.