Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 6 sa 165 • Tagalog


أَلَمْ يَرَوْا كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ قَرْنٍ مَكَّنَّاهُمْ فِي الْأَرْضِ مَا لَمْ نُمَكِّنْ لَكُمْ وَأَرْسَلْنَا السَّمَاءَ عَلَيْهِمْ مِدْرَارًا وَجَعَلْنَا الْأَنْهَارَ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَنْشَأْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ قَرْنًا آخَرِينَ 6
Pagsasalin:
Hindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago pa nila, na [makasalanang] salinlahi na nagbigay-kapangyarihan Kami sa mga iyon sa lupa habang hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo? Nagsugo Kami sa langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at gumawa Kami sa mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, saka nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at nagpasimula Kami, matapos na nila, ng salinlahing iba. Al-An‘ām 6:6
Tafsīr:
Hindi ba nakaalam ang mga tagatangging sumampalatayang ito sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga kalipunang tagalabag sa katarungan? Nagpahamak nga si Allāh bago pa nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa habang hindi Niya ibinigay sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulan na nagkakasunuran. Nagpadaloy Siya para sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sumuway sila sa Kanya kaya nagpahamak Siya sa kanila dahil sa nagawa nila na mga pagsuway. Lumikha Siya, nang matapos nila, ng mga kalipunang iba pa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 5 Susunod Al-An‘ām • Talata 7