Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 61 sa 165 • Tagalog


وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۖ وَيُرْسِلُ عَلَيْكُمْ حَفَظَةً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ تَوَفَّتْهُ رُسُلُنَا وَهُمْ لَا يُفَرِّطُونَ 61
Pagsasalin:
Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga [anghel na] tagapag-ingat; hanggang sa nang dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay nagpapanaw rito ang mga [anghel ng kamatayan na] sugo Namin habang sila ay hindi nagpapabaya. Al-An‘ām 6:61
Tafsīr:
Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Nagpapadala Siya sa inyo, O mga tao, ng mga anghel na mararangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 60 Susunod Al-An‘ām • Talata 62