Iyon ay ang katwiran Namin; nagbigay Kami nito kay Abraham laban sa mga kalipi niya. Nag-aangat Kami ng mga antas ng sinumang niloloob Namin. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam. Al-An‘ām 6:83 ⧉
Tafsīr:
Ang katwirang iyon ay ang sabi niya: "Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan," na nanaig si Abraham sa pamamagitan nito sa mga kalipi niya hanggang sa naputol ang katwiran nila. Ito ay katwiran Namin; nagtuon Kami sa kanya para mangatwiran sa mga kalipi niya sa pamamagitan nito at nagbigay Kami sa kanya nito. Nag-aangat Kami sa sinumang niloloob Namin mula sa mga lingkod namin sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya.