Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 92 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 92 sa 165 • Tagalog


وَهَٰذَا كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ مُبَارَكٌ مُصَدِّقُ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَلِتُنْذِرَ أُمَّ الْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا ۚ وَالَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَهُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ يُحَافِظُونَ 92
Pagsasalin:
[Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, na tagapagpatotoo sa nauna rito [na mga kasulatan] at upang magbabala ka sa ina ng mga nayon at sa sinumang nasa paligid nito. Ang mga sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay sumasampalataya rito [sa Qur’ān]; at sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga. Al-An‘ām 6:92
Tafsīr:
Itong Qur'ān ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang makalangit upang magbabala ka sa pamamagitan nito sa mga mamamayan ng Makkah at sa nalalabi sa mga tao sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa buhay na pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda para rito ayon sa Batas [ng Islām].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 91 Susunod Al-An‘ām • Talata 93