Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣaff — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣaff • Talata 11 sa 14 • Tagalog


تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَتُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 11
Pagsasalin:
Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. Aṣ-Ṣaff 61:11
Tafsīr:
Ang pangangalakal na tumutubong ito ay na sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at makibaka kayo sa landas Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng paggugol ng mga yaman ninyo at pagkakaloob ng mga sarili ninyo sa paghahangad ng kaluguran Niya. Ang gawaing nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam kaya magdali-dali kayo tungo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣaff • Talata 10 Susunod Aṣ-Ṣaff • Talata 12