Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal. Aṣ-Ṣaff 61:9 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang nagpadala ng Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya – kalakip ng Relihiyong Islām, ang Relihiyon ng kapatnubayan at paggabay sa kabutihan at ang Relihiyon ng kaalamang napakikinabangan at gawaing maayos upang magtaas Siya nito sa lahat ng mga relihiyon sa kabila ng mga pagmamaliit ng mga tagapagtambal na nasusuklam na mabigyang-kapangyarihan ito sa lupa.