O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. Al-Jumu‘ah 62:9 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag nanawagan ang mu'adhdhin para sa dasal sa araw ng Biyernes matapos ng pagpanik ng khaṭīb sa mimbar ay magmadali kayo sa mga masjid para sa pagdalo sa khuṭbah at dasal. Iwan ninyo ang pagtitinda upang hindi ito umabala sa inyo sa pagtalima. Ang ipinag-uutos na iyon na pagmamadali at pag-iwan sa pagtitinda matapos ng adhān para sa dasal sa araw ng Biyernes ay higit na mabuti para sa inyo, O mga mananampalataya, kung kayo ay nakaaalam niyon, kaya sumunod kayo sa ipinag-utos sa inyo ni Allāh.