Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Munāfiqūn — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Munāfiqūn • Talata 1 sa 11 • Tagalog


إِذَا جَاءَكَ الْمُنَافِقُونَ قَالُوا نَشْهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَكَاذِبُونَ 1
Pagsasalin:
Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: “Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh.” Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling. Al-Munāfiqūn 63:1
Tafsīr:
Kapag dumalo sa pagtitipon mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na nagpapalitaw ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh, sa totoo." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya, sa totoo. Si Allāh ay sumasaksi na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa inaangkin nila na sila ay sumasaksi mula sa kaibuturan ng mga puso nila na ikaw ay Sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jumu‘ah • Talata 11 Susunod Al-Munāfiqūn • Talata 2