Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. Al-Munāfiqūn 63:11 ⧉
Tafsīr:
Hindi mag-aantala si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito at nagwakas ang buhay nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito. Kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].