Walang tumama na anumang kasawian [sa sinuman] malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. At-Taghābun 64:11 ⧉
Tafsīr:
Walang tumama sa isa man na isang kasawian sa sarili nito o yaman nito ay anak nito malibang ayon sa pagtatadhana ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa pagtatadhana Niya at pagtatakda Niya ay magtutuon Siya sa puso nito sa pamamagitan ng pagsuko sa utos Niya at pagkalugod sa pagtatadhana Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.