Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong. At-Taḥrīm 66:2 ⧉
Tafsīr:
Nagsabatas nga si Allāh para sa inyo ng pagkakalas sa mga panunumpa ninyo sa pamamagitan ng panakip-sala kung nakatagpo kayo ng kabutihan doon o nagsinungaling kayo sa sinumpaan. Si Allāh ay ang Tagapag-adya ninyo at Siya ay ang Maalam sa mga kalagayan ninyo at anumang naangkop para sa inyo, ang Marunong sa pagbabatas Niya at pagtatakda Niya.