Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taḥrīm — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

At-Taḥrīm • Talata 4 sa 12 • Tagalog


إِنْ تَتُوبَا إِلَى اللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا ۖ وَإِنْ تَظَاهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ مَوْلَاهُ وَجِبْرِيلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ 4
Pagsasalin:
[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya]. At-Taḥrīm 66:4
Tafsīr:
Nagindapat sa inyong dalawa na magbalik-loob kayong dalawa dahil ang mga puso ninyong dalawa ay kumiling sa pag-ibig sa kinasuklaman ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na pag-iwas sa babaing alipin niya at pagbabawal dito sa sarili niya. Kung magpupumilit kayo sa pag-ulit sa panunulsol ninyong dalawa sa kanya, tunay na si Allāh ay Katangkilik niya at Tagapag-adya niya, at gayon din si Anghel Gabriel. Ang mga mabuti sa mga mananampalataya ay mga katangkilik niya at mga mapag-adya sa kanya. Ang mga anghel, matapos ng pag-aadya ni Allāh sa kanya, ay mga katulong para sa kanya at mga mapag-adya laban sa sinumang nananakit sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taḥrīm • Talata 3 Susunod At-Taḥrīm • Talata 5