Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taḥrīm — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

At-Taḥrīm • Talata 6 sa 12 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنْفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَائِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَا يَعْصُونَ اللَّهَ مَا أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ 6
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila. At-Taḥrīm 66:6
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, gumawa kayo para sa mga sarili ninyo at para sa mga mag-anak ninyo ng isang pananggalang laban sa Apoy na malaki, na pinaniningas sa pamamagitan ng mga tao at mga bato. Sa ibabaw ng Apoy na ito ay may mga anghel na mababagsik sa sinumang pumapasok dito, na matitindi. Hindi sila sumusuway sa utos ni Allāh kapag nag-utos Siya sa kanila, at gumagawa sila sa anumang ipinag-uutos Niya sa kanila nang walang panlulupaypay ni pananamlay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taḥrīm • Talata 5 Susunod At-Taḥrīm • Talata 7