Maglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. Al-Mulk 67:13 ⧉
Tafsīr:
Magkubli kayo, O mga tao, ng pananalita ninyo o magpahayag nito, si Allāh ay nakaaalam nito. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.