na lumikha ng pitong langit na nagkakatakluban. Hindi ka nakakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpapabalik ka ng pagtingin [sa langit], nakakikita ka kaya ng anumang mga bitak? Al-Mulk 67:3 ⧉
Tafsīr:
na lumikha ng pitong langit, na bawat langit ay nakataklob sa ibabaw ng nauna rito nang walang pagsasalingan sa pagitan ng dalawang langit. Hindi ka nakasasaksi, o tagatingin, sa anumang nilikha ni Allāh ng alinmang pagtataliwasan o kawalan ng pagkakaangkupan. Kaya magpabalik ka ng paningin, nakakikita ka ba ng pagkakabitak-bitak o pagkakalamat-lamat? Hindi ka makakikita niyon! Makakikita ka lamang ng isang nilikhang tinumpak at hinusayan [ang pagkakalikha].